Monday, June 27, 2016

Kampanya kontra illegal drugs sa Aklan, mas pinalakas ng Aklan PNP

Posted June 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mitchill jamiliMas lalo pa ngayong pinalakas ng Aklan PNP ang kampanya laban sa illegal drugs sa buong probinsya ng Aklan.

Ayon kay Senior Supt John Mitchell Jamili Provincial Director ng Aklan PNP sa loob umano ng tatlo hanggang anim na buwan ay uubusin nila ang mga nagbibinta ng droga sa lalawigan.

Kaugnay nito, naniniwala umano si Jamili na bago matapos ang taong ito ay magiging isa ng drug free ang probinsya ng Aklan.

Maliban dito, nag-lunsad na umano sila nitong nakaraang araw sa Pastrana Park sa bayan ng Kalibo ng paglalagay ng mga billboards at mga accomplishment laban sa illegal drugs.

Sa kabilang banda nanawagan ang APPO sa publiko na makipagtulungan umano sa kanila laban sa pagsugpo sa mga tulak droga.

Samantala tiniyak naman ni Jamili na handa silang mag-imbestiga sa mga pulis na sangkot sa paggamit ng illegal drugs.

No comments:

Post a Comment