Tuesday, June 28, 2016

Negosyo Center sa Ibajay Aklan tagumpay na nailunsad

Posted June 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tagumpay na nailunsad kahapon ang Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Ibajay sa probinsya ng Aklan.

Ito ay pinamunuan mismo ni DTI-Aklan Officer In-Charge Ma. Carmen Iturralde, kasama ang lokal na pamahalaan ng Ibajay at PCCI Aklan kung saan dinaluhan naman ito ng mga negosyanteng may maliliit na negosyo.

Ayon kay Iturralde ang Ibajay umano ang siyang pangalawa ngayon sa probinsya na mayroong Negosyo Center kasama ang “NegoCart” na layun umanong tulungan ang mga maliliit na negosyante sa lugar at yong mga nais pang mag-negosyo kasabay ng kanilang isasagawang mga training.

Kaugnay nito ang bayan naman ngayong araw ng Altavas ang magbubukas ng Negosyo Center habang sa fourth quarter naman ng taong ito ay magbubukas din ang DTI sa bayan naman ng Malay.

Ang Negosyo Center ay isang one-stop-shop para sa pagseserbisyo na nagsisilbi sa mga pangangangailangan ng mga negosyante sa pag-proseso ng kanilang mga requirements na magtayo ng negosyo at pag-access ng impormasyon na mahalaga sa kanilang pag-unlad tungo sa malaking negosyo.

No comments:

Post a Comment