Posted May 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ang ilang linggong pamamahinga ng mga SB members sa
Session na kumandidato sa bayan ng Malay sa naganap na halalan ay magbabalik na
ito sa normal ngayong Martes.
Ito ang naging pahayag ng Sangguniang Bayan ng Malay
Office sa kakatapos lamang na eleksyon nitong Lunes Mayo 9, 2016.
Sa Mayo 17 ay muling magkikita ang mga SB members kasama
ang mga hindi pinalad nitong eleksyon at ang matatapos na sa kanilang termino.
Nabatid na dalawang linggong walang session ang SB Malay
bago ang nasabing halalan para mabigyang daan ang mga ito sa pangangampanya.
Dahil dito inaasahang mapag-uusapang muli ang mga
nakabinbing usapain para sa nasabing bayan gayundin ang pamamaalam ng mga hindi
pinalad na muling maluklok sa pwesto.
Samantala, sa pagbabago ng pamahalaan ngayong Hunyo ay
iba na ang uupong Mayor sa Malay gayundin sa pagka Vice-mayor habang sa konseho
naman ay bubuuin ito ng walong konsehales kung saan tatlo sa mga ito ay baguhan
at ang isa ay nagbabalik at ang apat naman ay muling na elect.
No comments:
Post a Comment