Wednesday, May 11, 2016

Comelec Malay pinuri ng DILG dahil sa maayos at malinis na halalan

Posted May 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Natapos ng walang malalaking problema ang ginanap na eleksyon sa bayan ng Malay nitong Mayo 9, 2016 hanggang sa naging proklamasyon ng mga nanalong kandidato kahapon.

Dahil dito binati ni MGLOO Mark Delos Reyes ng DILG Malay si Comelec Officer II Chrispin Raymund Gerardo sa pagpapatupad ng maayos na eleksyon sa nasabing bayan.

Nabatid na walang naging malalaking problemang naitala ang Comelec Malay sa kakatapos lang na halalan maliban sa ilang VCM na nagka-aberya ngunit mabilis na naayos sa tulong ng mga technician.

Maliban dito umaga palang ay sumalang na sa proklamasyon ang mga kandidatong nanalo sa pagka-alkalde ng bayan bise-alkalde at mga miyembro ng konseho.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng Comelec sa mga BEIs na nagsilbi sa halalan gayundin sa mga pulis sa pagpapaigting ng maayos na seguridad sa isla ng Boracay at buong bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment