Thursday, May 12, 2016

Pagputol ng punong kahoy ipinaliwanag ng PENRO Aklan

Posted May 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pag-putol ng punong kahoyTalamak ngayon ang pagputol ng mga punong kahoy sa ibat-ibang lugar sa bansa maging sa probinsya ng Aklan.

Dahil dito ipinaliwanag ngayon ng Provincial Environment and Natural Resources na ang pagputol ng kahoy na walang permit to cut’ at ‘transport’ mula sa DENR o maging sa iyong sariling lugar ay kinokonsidirang illegal logging.

Ayon kay Assistant Public Information Officer Marlon Vidal, ng DENR-Provincial Environment and Natural Resources Aklan, importante ang pagkuha ng permit mula sa DENR kahit ito ay sarili mong tanim para hindi ka makasuhan ng illegal logging.

Sinabi nito na kailangan lamang sa pagkuha ng ‘pemit to cut’ ay authenticated tax declaration, sketch map na may technical description, barangay certification na nagpapatunay na ang punong puputulin ay pasok sa lugar ng may-ari, at letter of consent na naka-address sa DENR-PENRO Aklan.

No comments:

Post a Comment