Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Luhaan ang isang
19-anyos na babae na nag-sumbong sa Boracay PNP matapos umanong pinahiya ng Dutch
national resort Sales Marketing sa Station 1, Sitio Pinaongon, Brgy. Balabag
Boracay.
Ayon kay PO1
Donald Alvarado ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC),kasama umano ng
biktima ang kanyang pamilya sa loob ng hotel na kumakain kung saan nilapitang umano
ito ng security guard at tinanong kung check-in ba sila sa hotel.
Nabatid na
sinagot naman ito ng biktima na walk-in lang sila sa nasabing hotel.
At sa hindi umano
kalayuan dito ay lumapit ang nasabing Dutch national Sales Marketing ng resort at
pinagsalitaan umano ito ng hindi maganda na ikinagulat naman ng biktima.
Dahil umano sa
kahihiyang naramdaman ng biktima sa mga tao sa lugar at sa mismong pamilya nito
ay minabuti nitong ipa-rekord sa Boracay PNP ang nangyaring insidente.
Nabatid na dating
On the Job Training o (OJT) ang nasabing biktima sa resort.
No comments:
Post a Comment