Wednesday, May 11, 2016

Cawaling at Sualog panalo sa Malay !

Posted May 11, 2016

Nagwagi ang mga kandidato mula sa magkaribal na partido kung saan tinalo nilang pareho ang mga kasalukuyang naka-upo na sina Malay Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito.

Ang kaka-deklarang bagong Mayor na si Ceciron “Dodong” Cawaling ay lumamang ng mahigit dalawang libong boto at si Liga President at Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog naman ay tinambakan ng pitong daan ang katunggaling si Vice Mayor Wilbec Gelito.

Naging gitgitan ang laban simula pa lang ng kampanya subalit habang papalapit ang halalan ay mas pinaburan si Cawaling at Sualog maging sa isla ng Boracay at mainland Malay.

Naging alas ni Sualog ang Barangay Manoc-manoc kung saan lumamang ito ng mahigit 2,700 votes na nagpahirap kay Gelito na habulin kahit nanalo ito sa Balabag at Yapak.

Balabag at Yapak din kasama ang Caticlan ang tumulong kay Cawaling para mai-panalo ang pagka-Alkalde.
Tig-aapat naman na SB ang nanalo sa bawat grupo na kinabibilangan nina Team Magkasangga  SB Member Jupiter Gallenero, SB Member Danilo Delos Santos, Former SB Member Dante Pagsuguiron at Manoc-manoc Kagawad Lloyd Maming.

Sina SB Member Natalie Paderes, SB Member Fromy Bautista, Motag Punong Barangay Nenette Graf, at Datu Yap-Sumndad naman ang nagwagi mula sa Performance Team ni Cawaling.

No comments:

Post a Comment