Wednesday, May 11, 2016

Eleksyon sa probinsya ng Aklan, naging mapayapa—APPO

Posted May 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for appo aklan“Peaceful” umano ang kabuuang resulta pagdating sa seguridad sa kakatapos lamang na National at Local election sa probinsya ng Aklan.

Ito ang sinabi ni Public Information Officer PO3 Nida Gregas, kung saan wala naman umanong mga naitalang malalaking insidente na naipa-record sa himpilan ng pulisya sa labing-pitong munisipalidad sa Aklan noong eleksyon.

Sinabi pa nito na kahit nagkaroon ng aberya ang ibang mga VCM o Vote Counting Machine sa ibat-ibang lugar sa Aklan ay hindi naman umano ito nag resulta ng kaguluhan sa mga botante dahil sa maayos na pagbabantay ng maga pulis.

Samantala, maituturing namang “most peaceful” ang eleksyon ngayon taong 2016 hindi katulad noong nakaraang eleksyon ng 2013 na merong may mga naitalang kaguluhan. 

No comments:

Post a Comment