Wednesday, May 11, 2016

Marquez nangunguna sa pagka-congressman ng lone district ng Aklan

Posted May 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nangunguna ngayon sa pagka-congressman ng lone district ng Aklan si former Governor Carlito S. Marquez ng (UNA) laban sa katunggali nito na si Teodorico Haresco ng (LP).

Ito ay base sa datos na lumabas sa Comelec Transparent Server kung saan nangunguna naman pagka-gobernador ang kapartido ni Haresco na si Florencio Miraflores laban kay former Banga Mayor Antonio Maming.

Maliban dito nangunguna rin sa pagka bise-gobernador si Atty. Boy Quimpo ng (LP) laban kay Lovel Mationg na kapartido ni Marquez.

Nabatid na malayo na umano ang hahabulin ni Haresco laban kay Marquez kung saan lumamang na ito na mahigit sa sampung libong boto.

Maliban dito, nangunguna naman sa limang Board members sa Western Side ng Aklan sina Ramon Gelito, Jose Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson Santamaria.

Samantala, sinabi naman ng Comelec Aklan na nakatakda ngayong araw ang proklamasyon para sa mga mananalong kandidato sa matataas na posisyon sa probinsya.

No comments:

Post a Comment