Thursday, May 12, 2016

Driver ng isang travel and tours, ini-reklamo ng turista

Posted May 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for police blotterIni-reklamo ng turista ang driver ng isang travel and tours matapos umano itong pagsalitaan ng hindi maayos sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng nag-rereklamo na si Jacob Vasquez 53-anyos sa Boracay PNP, naglalakad umano sila ng kanyang pamilya sa lugar ng businahan sila ng isang van na minamanihu ng driver kung saan tumabi naman umano ang mga ito.  

Ngunit, sinasabing panay parin umano ang busina ng driver sa kanila kung saan ng papalapit na ito sa kilid ng kalsada ay bumaba umano ang nasabing driver at sinabihan sila na kanina pa umano ang busina nito pero hindi sila tumatabi.    

Nabatid na nagkasagutan pa umano ang mga ito dahil sa nangyaring insidente dahilan para ireklamo ng biktima ang suspek sa kanyang pinag-tatrabahuhan at sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment