Posted May 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat tapos na ang eleksyon noong Mayo 9, 2016 ngunit
hindi parin natatapos ang Gun Ban na nagsimula noong Enero 10 na magtatapos pa
sa Hunyo 8 ngayong taon.
Dahil dito nag-paala ang Aklan Police Provincial Office
(APPO) na kailangan paring sundin ng publiko ang mga batas na umiiral sa gun
ban para hindi ang mga ito maharap sa mga penalidad.
Nabatid na marami na ring mga civilian sa probinsya ang
nahuli sa comelec gun ban noong kasagsagan ng halalan dahil sa pagdadala ng mga
ipinagbabawal na armas na nakakamatay.
Samantala, napag-alaman na pumalo na sa 4,212 na mga
ndibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban sa buong bansa kung saan
karamihan dito’y mga sibilyan.
No comments:
Post a Comment