Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patay na ng
matagpuan ang turistang Taiwanese national matapos itong malunod sa dagat sa
Station 1, Brgy. Balabag, Boracay kaninang 5:30 ng umaga.
Ayon kay PO1st Condrito
Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, pasado alas 2:30 umano ay kasama ng biktima na
si Hsiu Ming Li, 31-anyos ang kanyang mga kaibigan na naglalakad sa tubig malapit sa
Boracay rock at sinasabing bigla itong nawala.
Sa pagkakataong
yun ipinagbigay alam ng mga ito sa pulis na naka-assign malapit sa area at
tumawag ito ng Philippine Coast Guard na mabilis namang dumating kung saan agad namang nagsagawa ng pagsisid ang mga ito sa lugar.
Natagpuan ang
bangkay na nakalutang subalit, umabot ng mahigit dalawang oras ang paghahanap
at nakita itong nakalutang mga bandang alas 5 y-medya na kaninang umaga.
Samantala
dumating naman ang mga kasamahan nito para kilalanin ang bangkay at dito nga ay
kinilala nila ang biktima dahil dito napagpasyahan
nilang dalhin ang labi ng biktima sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment