Posted April 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang LaBoracay ang siyang dahilan kung bakit dumadagsa ang
maraming turista sa isla tuwing huling linggo ng Abril hanggang Mayo 3.
Ito ay dahil sa ibat-ibang malalaking event na idinaraos
sa isla na siyang gustong masaksihan ang mga aktibidad o party on the beach na
ino-organisa ng malalaking kumpanya sa bansa maging sa labas ng Pilipinas.
Dahil dito ang Municipal Tourism Office sa pamumuno ni
Municipal Tourism Officer Felix Delos Santos ay umaasa umanong aabot sa 50
libong turista ang makikisaya sa nasabing event.
Nabatid na tuloy-tuloy na ang buhos ng dami ng turista
simula pa nitong mga nakaraang araw kung saan karamihan sa mga ito ay
mag-babarkada na local tourist.
Samantala, inaasahan namang magpapa-ingay sa mga event sa
Boracay ang mga kilalang Dj sa bansa gayon din ang mga sikat na artista.
Nabatid na umabot sa 50,099 na turista ang nakisaya sa
LaBoracay week noong nakaraang taon kung saan ngayong 2016 ay nasa-ikatlong pagkakataon
na itong ginagawa sa isla.
No comments:
Post a Comment