Monday, April 25, 2016

Pang-hahamon ng away nauwi sa reklamo sa pulis

Posted April 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotter
Ini-reklamo ng isang steel man ang kanyang katrabaho sa isang construction site matapos siya nitong hamunin ng away sa loob ng kanilang pinagta-trabahuhan sa Sitio Sinagpa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktimang na si Nolito Panganiban 31-anyos residente ng Brgy. Balusbus, Buruanga habang ang suspek naman ay kinilalang si Robert Barbeque.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, naka-upo umano siya ng lapitan ng suspek na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin at dito ay hinamon siya ng away kung saan binigyan pa niya ng kutsilyo ang biktima para labanan siya ngunit hindi naman ito pinansin ni Panganiban.

Samantala ng marinig ng suspek na nag-tatawanan ang biktima kasama ang kaibigan nito ay agad itong nagalit kung saan sinuntok nito ang biktima.

Napag-alaman na dahil umano sa dating away at kalasingan ang dahilan kung bakit ito nagawa ng suspek.

No comments:

Post a Comment