Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Matagumpay na
natapos ang kompetisyon ng Legislative Quiz Bee sa ginanap na ika-60
Anniversary ng Aklan day.
Naganap ito bago
ang anibersaryo Abril 21, 2016 sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and
Cultural Center Capitol Building.
Ang nasabing kompetisyon
ay kinabibilangan ng 23 group entries sa implementing agencies category at 18
naman sa student category na ang representante ay mga ahensya ng gobyerno,
unibersidad at kolehiyo sa probinsya ng Aklan.
Nabatid na binuo
ito ng mga katanungan sa labing tatlong kodigo at ordinansa na ipinasa ng
Sangguniang Panlalawigan Aklan kung saan isa ito sa mga unang event na ginagawa
bago paman ang anibersaryo ng probinsya na inobasyon ni Vice Governor Gabrielle
Calizo-Quimpo.
Samantala, ang
kampeon sa student category ay ang College of Law ng Aklan Catholic College at
Implementing Agency Category na nag-uwi ng P12, 000 habang 1st runner up naman sa
student category at pumangalawa sa Implementing Agencies ay ang Aklan National
High School For Arts and Trades na tumanggap ng P9, 000 at pumangatlo ulit sa
student category ang College Baccalaureate courses at Implementing agencies
category ng Municipal Health Office ng LGU Ibajay na nakatanggap ng tig P6,
000.
Nabatid na ang naging
quizmasters sa naturang kompetisyon ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela
Cruz SP member Aklan at Hon. Jay Tejada ng SB Tangalan.
No comments:
Post a Comment