Posted April
27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang kadalasang nakikita natin tuwing panahon ng
tag-init o summer.
Dahil dito nag-paalala ngayon ang Provincial Health
Office (PHO) sa publiko sa ibat-ibang pagkain na nagsisilabasan tuwing
tag-init.
Ayon sa PHO huwag basta-bastang bumili ng pagkain sa kung
saan-saan lalo na kung hindi segurado sa mga sangkap na ginamit para rito at kung
hindi naman malinis ang lugar na maaari ring pag-mulan ng ibat-ibang sakit.
Nag-paalala din ang mga ito na iwasan ang pagbili ng
pagkain na mabilis mapanis ngayong mainit na panahon kagaya ng mga pasta at may
sangkap na gatas.
Samantala, dapat umanong magtagal lang ng apat na oras
ang pagkain pagkatapos lutuin kung saan kinakailangan din itong initin kung
hindi naubos bago ulit kainin o kaya ay ilagay sa refrigerator.
No comments:
Post a Comment