Posted April 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa umano nakakakuha ng go signal ang Commission on
Elections (Comelec) Aklan kung kaylan sila makakakuha ng mga ballot box sa
probinsya.
Ayon kay Getulio Esto ng Comelec Provincial Office, wala
pa sa kanilang sinabi ang national office kung kaylan ang nakatakdang petsa
para sa pag-deliver ng nasabing box.
Ito din umano kasi ay sa ilalim ng Provincial treasurer
kung saan ipamamahagi naman ito sa bawat municipal treasures office tatlong
araw bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.
Nabatid na nagsimula na sa kalapit na probinsya ng Iloilo
kahapon ang pamamahagi ng ballot box sa mga clustered precincts.
Samantala, puspusan na ngayon ang paghahanda ng Comelec
Aklan para sa nalalapit na halalan kung saan ilang kaliwat-kanan ang kanilang
ginagawang pakikipag-pulong sa mga otoridad para sa malinis at patas na
eleksyon sa probinsy.
No comments:
Post a Comment