Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa report ng mga pulis nakilala ang dalawang nagre-reklamo
na si Elma Bacayan 63-anyos land lady ng Boarding house at Mary Jane Salazar
38-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Rizalina Sagarino 42-anyos residente
ng Lapu-lapu Cebu at nakatira sa nasabing Brgy.
Sumbong ng dalawa sa Boracay PNP, nasa ilalim umano ng
nakakalasing na inumin ang suspek ng dumating sa lugar kung saan pinag-hahamon
nito ng away ang mga boarders.
Nabatid na dahil umano sa hindi mapatigil sa pag-wawala
ang suspek ay dito na nila ito tinawagan ng pulis na ngayon ay pansamantalang
nakakulong sa lock-up-cell ng Boracay PNP dahil sa nagawang panggugulo.
No comments:
Post a Comment