Posted April 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Libo-libong katao ang inaasahang dadagsa sa isla ng
Boracay ngayong linggo o mas kilala sa tawag na LaBoracay 2016.
Dahil dito ang Boracay PNP, sa pangunguna ni BTAC Deputy
Chief at SPO1 Christopher Mendoza, PCR PNCO ay patuloy na nagsasagawa ng beach
patrolling para bigyang paalala ang mga turista lalo na ang mga naliligo sa
dagat na iniiwan ang gamit sa dalampasigan.
Nabatid kasi na karamihan sa mga turista ay iniiwan lang
ang kanilang mga gamit sa puting buhangin sa tuwing sila ay naliligo kung saan
hindi maiwasan na maaaring matangay ito ng mga magnanakaw na kadalasang
problema sa isla.
Kasama naman sa pag-papaalala ng Boracay PNP ang
Philippine Army at iba pang mga Law enforces na mahigpit na ring nagbabatay sa
seguridad ngayon sa Boracay dahil sa dami ng turista.
Samantala, tiniyak naman ng mga pulis ang kaligtasan ng
mga nagbabakasyon sa Boracay dahil sa kanilang 24 oras na security sa buong
isla.
No comments:
Post a Comment