Posted June 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang pagtanggap ng YES FM Boracay ng mga relief
goods para sa mga nasunugan nitong Miyerkules sa Talipapa Bukid Manoc-manoc.
Patunay rito ang pag-bigay ng ilang mga business
establishment sa himpilang ito ng mga donasyon katulad ng bigas at mga
pinaglumaang damit para sa mga biktima ng sunog.
Nabatid na daan-daang individual ang halos walang
naisalbang gamit sa malagim na sunog na nangyari nitong Miyerkules kung saan
tumupok ng halos isang daang kabahayan at mahigit dalawampung mga
establisyemento sa wet market Talipapa.
Sa ngayon pansamantala paring nasa covered court ng Brgy.
Manoc-manoc ang mga nabiktima ng sunog kung saan patuloy naman ang ibinibigay
sa kanilang ayuda ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Samantala patuloy namang huminghi ng dasal ang mga
nabiktima ng sunog na agad silang makabangon sa kanilang sinapit lalo na ang
mga negosyante na nalugi ng milyon at daan-daang libong kapital sa itinuturing
na biggest fire history sa Boracay.
No comments:
Post a Comment