Tuesday, June 16, 2015

Dalawang sekyu sa Boracay, binantaan ng lasing na kusinero

Posted June 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dalawang security guard sa Boracay ang binantaan umano ng lasing na kusinero.

Nangyari ang insidente sa loob ng isang bar sa Barangay Balabag dakung alas 3:20 kaninang madaling araw.

Base sa report ng Boracay PNP, inawat ng mga nasabing sekyu ang lasing na kusinero matapos nitong magwala at sirain ang mesa sa loob ng nasabing bar sa hindi na lamang dahilan.

Subali’t lalo pa umano itong nagalit at nagbasag ng bote, at nagbantang titirahin sa labas ang mga sekyu.

Samantala, minarapat namang ipagkatiwala ng Boracay PNP ang kaso sa Barangay Justice System.

No comments:

Post a Comment