Posted June 18, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isinugod sa ospital ang isang
batang lalaki sa Sitio Ambolong,Manoc-manoc Boracay kahapon matapos mabangga ng
club car.
Ayon sa report ng Boracay PNP,
tumatawid ang limang taong gulang na biktima kasama ang nakatatandang kapatid
nang aksidenteng mabangga ng club car na minamaneho ng Korean National na si
Jinsun Lee, manager ng isang resort sa Barangay Balabag.
Nag-over take umano kasi ito sa
isang trisekel kung kaya’t nasapol nito ang bata dahilan upang magtamo ito ng
sugat sa katawan.
Isinugod naman sa pagamutan ang
biktima, habang nagpahayag din umano ang Koreano na kanyang babalikatin ang
gastusin-medikal ng kanyang nabangga.
No comments:
Post a Comment