Monday, June 15, 2015

Grupo ng Friends of Flying Fox nagsagawa ng Solidarity at Unity gathering sa Boracay

Posted June 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for willys rockPinangunahan ng friends of flying fox ang petisyon na umabot sa 10, 000 nito lamang hapon ang panawagan para isalba ang isla ng Boracay at sa proteksyon ng kalikasan nito.

Dahil dito magkakaroon ang nasabing grupo ng Solidarity at Unity gathering para hikayatin ang lahat na sumama lalo na ang yaong nagmamasalakit para sa isla ng Boracay ngayong ala-6 ng gabi sa harap ng Willys Rock station 1.

Ayon kay BFI Board of Director at Motag Brgy. Captain Neneth Graft ang pagtitipong ito ay walang halong pamumulitika at hindi isang pag-proprotesta.

Ito din umano ay pagpapakita sa buong mundo na ang mga taga Boracay ay hindi natutulog at may ginagawa para pangalagaan ang kalikasan ng isla.

Sinabi pa ni Graft na ang petisyong ito ay para pangalagaan ang kumukunting flying farmers o may local term na “Kabog” dahil sa lumiliit nilang habitat area dahil sa patuloy na development sa Boracay.

Kaugnay nito lahat ng mga nagmamahal sa Boracay ay inaanyayahang dumalo sa nasabing pagtitipon para sa isang symbolic lighting of candle bilang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at concern sa environment ng Boracay.

Samantala, magkakaroon din mamaya ng signing of petition para sa lahat ng mga dadalo sa Solidarity at Unity gathering na kung saan ay ipapasa naman ito sa Department of Environmental Resources (DENR).

No comments:

Post a Comment