Monday, June 15, 2015

Bagong Patrol Jeep para sa police operation ng 17 bayan sa Aklan tiniyak ni DILG Sec. Roxas

Posted June 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tiniyak ni Department of Interior and Local Government Unit (DILG) Secretary Mar Roxas na makakatanggap ng bagong patrol jeep para sa police operations ang 17 bayan sa Aklan.

Ito ang kanyang sinabi sa harap ng kanyang mga taga suporta at ilang opisyal ng probinsya sa pagbisita nito sa bayan ng Ibajay nitong araw ng Sabado.

Ayon kay DILG Sec. Roxas buong bayan sa Aklan ang mabibigyan ng bagong police patrol jeep para mapabuti pa ang anti-criminality at mapadami pa umano ang turista sa lalawigan dahil ito aniya ang nagbibigay ng trabaho sa probinsya.

Sinabi nito na sa pamamagitan ng patrol jeep ay magiging maaayos na ang pagrespondi sa insidente ng krimen at kalamidad.

Nabatid na ang pagbisita ni Roxas sa probinsya ay para personal na iaabot ang tseke ng Recovery Assistance ng Yolanda (RAY-II) Fund sa local government unit sa Aklan.

Napag-alaman na ang probinsya ng Aklan ay tumanggap ng P80.175 million mula sa P238.6 million fund sa Panay Island para sa post-Yolanda rehabilitation efforts ng 202 pasilidad ng 186 na barangay sa 17 munisipalidad.

No comments:

Post a Comment