Posted June 18, 2015
Ni Bert Dalida
YES FM Boracay
Mahigit 24 oras
na ang nakalipas nang mangyari ang mala-impyernong sunog kahapon sa Manoc-manoc
Boracay.
May mga nabiktima
na maluwag na tinanggap ang kanilang sinapit, habang may mga na-trauma at
nanlumo sa nangyari.
Ilan sa mga
biktima ng sunog kahapon ang aming nakausap kanina at nagkuwento tungkol sa
nangyari.
Ilan lamang sa
mga ito sina ‘Sha’, hindi totoong pangalan at Aling Madilyn, ang nasimot umano
ang kanilang mga pinaghirapan.
Kuwento ni ‘Sha’,
naging mabilis ang sunog kahapon na tumupok sa kanilang tinutuluyang boarding
house, habang tumakbo umano sa tubig sina Aling Madilyn upang makaligtas.
Samantala, ilan
naman sa mga boarders doon na aming nakausap ang nadismaya matapos pagnakawan
pa umano ng kanilang mga kagamitan.
Nagsimula ang
sunog dakung alas 2:00 ng kahapon ng hapon at tumagal ng halos tatlong oras.
Isang bahay din
sa lugar ang itinuturong pinagmulan ng sunog na tumupok sa mga establisemyento,
boarding house at mga tindahan sa Talipapa-Bukid.
No comments:
Post a Comment