Posted June 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Unti-unti na ngayong nararamdaman ang Habagat Season sa
isla ng Boracay dahil sa sunod-sunod na araw na paglakas ng alon sa area ng
front beach kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Ito’y kahit hindi pa pormal na nagdedeklara ang
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
ng pagpasok ng Habagat o Southwest monsoon sa bansa.
Dahil dito nagpalabas ngayong umaga ng abiso ang
Philippine Coastguard (PCG) Caticlan na ang biyahe ng mga bangka papunta at
palabas ng Boracay ay inilipat na sa Tambisaan at Tabon Port dala ng lakas ng
alon sa Cagban at Caticlan Jetty Port.
Sakali namang pormal ng maideklara ng PAGASA ang Habagat
ay tuluyan ng ililipat ang biyahe sa Tabon at Tambisaan hanggang sa Oktobre
ngayong taon.
Kaugnay nito tuloy parin ang operasyon sa Cagban at
Caticlan Jetty Port para sa mga fast craft at Roro-Vessel na may biyaheng Boracay,
Mindoro at Batanggas.
No comments:
Post a Comment