Posted June 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang nasa 100 mga residential at boarding houses kasama
ang mahigit 20 establisyemento ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kahapon
sa Talipapa Bukid Boracay.
Ayon kay Fire Inspector Stephen Jardeleza, nahirapan
silang pasukin ang ilang area ng nasusunog dahil sa bulubunduking itong lugar.
Nagsimula umano ang sunog sa isang boarding house pasado
alas-2:00 ng hapon at kumalat ito hanggang sa Talipapa Bukid kung nasaan ang
wet market sa lugar.
Sinasabing nagmula ang apoy sa isang kusina ng
boardinghouse sa mismong likuran ng isang grocery store sa naturang lugar.
Dahil sa lakas ng hangin mabilis na kumalat ang apoy at
nagtuloy-tuloy na nitong lamunin ang mga kalapit na bahay hanggang sa dumiritso
sa wet market kung saan halos lahat ng tindahan ay tinupok ng apoy.
Ayon pa sa BFP Boracay umabot na sa general alarm ang
nangyaring sunog pero dahil nasa isla, at wala ring nakaresponde na ibang fire
trucks mula sa ibang lugar maliban sa mga fire trucks sa Boracay at ng mga resort
na tumulong para maapula ang napakalakas na apoy.
Halos umabot narin ng alas-7 kagabi ang ginawang mopping
up operations ng mga bomberro sa mahigit tatlong oras na nangyaring sunog.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang embestigasyon ng
mga otoridad sa boarding house na sinasabing pinagmulan ng itinuturing na
pinakamalaking sunog na nangyari sa isla ng Boracay.
I translated this news post, and the news was sad and I hope those affected will be able to recover from their loss, especially their Boracay Houses.
ReplyDelete