Posted June 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantala muna ngayong nasa gilid ng kalsada ng
Manoc-manoc nagbibinta ang mga nasunugang vendors sa Talipapa Bukid nitong
Miyerkules.
Kung saan kanya-kanya ang mga itong naglatag ng kanilang
tent at lamesa para sa kanilang mga ibinibintang karne ng manok,baka, baboy at
isda kabilang na ang mga gulay at ilang panindang pagkain.
Nabatid na halos mahigit dalawampung mga stalls ang
nasunog sa wet market ng Talipapa Bukid kung saan karamihan rito ay mga grocery
stores, gulay at tindahan ng mga gamit sa bahay.
Kaugnay nito kanya-kanyang linis ng kanilang mga nasunog
na bahay at pwesto sa tindahan ang mga biktima ng sunog na kung saan ay
tinatayang nasa P20 milyong peso ang naging danyos nito.
Kaugnay nito pinulong naman ng Lokal na Pamahalaan ng
Malay at ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) ang mga biktima ng sunog
kaninang umaga para mabigyan ng agarang ayuda o plano sa panibagong kahaharapin.
No comments:
Post a Comment