Posted June 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tniyak ngayon ng Department of Health (DOH) Region 6 na
nakahanda na ang Kalibo International Airport sa Middle East Respiratory
Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).
Ayon kay Dir. Marilyn Convocar ng DOH Region 6 nitong mga
nakaraang araw umano ay nagsimulang maghigpit ang Bureau of Quarantine sa
pagbabantay sa Kalibo International Airport na siyang pinakaabalang paliparan
sa Rehiyon.
Maliban dito naglagay din umano sila ng thermal scanners
sa nasabing paliparan kabilang na rito ang Iloilo International Airport at
Sagay sa Negros Occidental na siyang mahigpit din umano nilang binabantayan.
Kaugnay nito nakipag-ugnayan na rin umano sila sa mga
ospital at health center sa probinsya sakaling magkaroon ng kaso ng MERS-CoV sa
lalawigan.
Nabatid na ang Kalibo International Airport ay siyang main
gateway ng mga Koreano na pumupunta sa isla ng Boracay kung saan mayroong
araw-araw na flights mula sa Incheon, South Korea na ngayon ay patuloy na
tumataas ang kaso ng Mers-CoV sa nasabing lugar.
No comments:
Post a Comment