YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 03, 2014

Umano’y sobrang init sa isang storage room, sanhi na naman ng sunog kagabi sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Para maka-iwas sa sunog sa loob at labas man ng bahay o establisyemento, suriing mabuti ang mga appliances na ginagamit lalo’t may sampung taon na itong ginagamit.

Matatandaang ito ang palaging paalala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko para makaiwas sa sunog.

Ito’y matapos na isang sunog na naman ang naganap sa isla ng Boracay kagabi ng dahil sa di umano’y nasobrahan sa init ang isang storage room ng isang tindahan sa Manoc-manoc Boracay.

Hindi kasi nakapatay ang florescent lamp na magdamag nang nakabukas sa loob ng nasabing storage room, dahilan na pumutok rin ang ilang mga panindang alak dito.

Ayon kay F03 Franklin Arubang ng Bureau of Fire Boracay.

Naganap ang sunog bandang alas syete kagabi kung saan halos umabot sa isang oras ang pag-apula sa apoy.

Ito’y dahil sa masikip umano ang daanan sa nasabing lugar kung saan kailangan pang umikot sa likod ng establisyemento ang mga firemen para makapasok.

Sinabi ni Arobang na nasa tinatayang humigit kumulang na 15, 000 pesos ang tinupok ng apoy.

Wala namang nasaktan sa sunog maliban na lamang sa mga nasunog na stocks sa nasabing tindihan.

Samantanla, nagpapatuloy parin sa ngayon ang imbestigasyon ng BFP para malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng nangyaring sunog.

No comments:

Post a Comment