Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Naging prayoridad ng DOT
sa kasagsagan ng demolisyon ang mga guests ng West Cove.
Ayon kay DOT Boracay
Officer In Charge Tim Ticar, hinarap nila ang mga nasabing guests at pinaliwanagan
tungkol sa nangyayaring demolisyon upang hindi magpanic at mag-alala ang mga
ito.
Ipinaliwanag din umano
nila na hindi ang buong gusali ng West Cove ang idi-demolish kungdi ang bahagi
lamang na nakitaan ng paglabag o violation.
Dahil dito, sinabi pa ni
Ticar na walang guest doon ang umalis o lumipat sa ibang resort.
Nabatid na pinangunahan
ng LGU Malay ang demolition team sa West Cove sa Diniwid Boracay nitong
Miyerkules, kung saan tinibag ang deck area nito.
Naging kontrobersiyal
ang West Cove Resort na kilala din bilang Pacquiao Resort, matapos ipag-utos ng
LGU Malay ang closure order o pagpapasara nito nitong taong 2011, dahil sa
umano’y kakulangan nito ng business, building at occupancy permits.
Naging mapayapa naman
ang nangyaring demolisyon.
No comments:
Post a Comment