YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 06, 2014

Mga matataas na opisyal ng PNP Region 6, nagkaroon ng ocular inspection sa BTAC

 Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“We serve and protect”

Ito ang pinaninindigang slogan ng Philippine National Police (PNP) para sugpuin ang iba’t-ibang klaseng krimen sa bansa.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay nagsidatingan ang ilang mga matataas na opisyal ng PNP Region 6 sa Boracay para bisitahin ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Ayon kay Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan ng Boracay PNP.

Ito’y Standard Operating Procedure (SOP) sa mga mataas na opisyal ng ahensya na magkaroon ng ocular inspection sa mga lower units kung saan isa sa mga mahigpit na inaalerto ang Boracay.

Aniya, sapagkat ang isla ay itinuturing na isa sa mga sikat na destinasyon at paboritong puntahan ng iba’t-ibang mga turista dahil sa mga “in – demand” din nitong mga bars at resort.

Samantala, bilang paghahanda naman umano sa nalalapit na “summer” kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming mga bakasyunista.

Pinaiigting ngayon ng mga otoridad ang kanilang puwersa para sa agarang pagsugpo sa kung sino man ang nagbabalak gumawa ng hindi maganda sa Boracay.

Kabilang sa mga bumisita rito si Chief Superintendent Josephus Angan ng Police Regional Office (PRO-6), Police Provincial Directors at iba pang mga matataas na opisyal ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

No comments:

Post a Comment