Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Humingi ngayon ng paumanhin sa publiko kaugnay sa
perwisyong dulot sa trapiko ng Boracay Drainage Project ang ITP Construction.
Aminado kasi si ITP Construction Project Architect
Victor Turingan na malaking abala para sa publiko sa isla ang ginagawang
proyekto ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa
Barangay Balabag mainroad.
Sinabi pa nito na naantala ang proyekto dahil sa
umano’y naging problema nila sa pagdating ng mga materyales na gagamitin.
Kinumpirma din kasi nito na dapat nitong nakaraang
buwan pa ng Enero dapat matatapos ang nasabing proyekto.
Samantala, sinabi pa ni Turingan na humingi sila ng
ayuda sa mga taga MAP o Municipal Auxiliary Police-Boracay upang maging maayos
ang daloy ng trapiko.
Pinayuhan din nito ang mga motorista partikular ang
mga galing Balabag proper papuntang Manoc-manoc, na dumaan sa diversion road sa
harap ng Lake Town.
Ito’y upang hindi na maabala sa mabigat ng daloy ng
trapiko dulot ng nasabing proyekto.
Inaasahang masusulosyunan na ang problema sa baha
sa Boracay kapag natapos na ang naturang drainage project.
No comments:
Post a Comment