Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Tumulong sa pag-asikaso sa
bangkay ng nagbigting Dutch National sa Boracay ang DOT o Department of Tourism
Boracay sub-office.
Ayon kay DOT Boracay
Officer In Charge Tim Ticar, nakipag-ugnayan umano sila sa mga taga Boracay PNP
at SOCO o Scene of the Crime Operatives sa pagproseso ng mga kinakailangang
dokumento katulad ng death certificates at transfer of cadaver, at sa pag-ipon
ng mga gamit ng biktimang si Geritt Van Straalen.
Samantala, hindi naman
kinumpirma ni Ticar kung kailan ihahatid sa kanyang pamilya ang bangkay nito.
Maaari pa umano kasi
itong isailalim sa eksaminasyon ng SOCO.
Nabatid na hiwalay sa
kanyang asawa at anak si Straalen at kasalukuyang nangungupahan sa isang
kuwarto sa isang apartelle Barangay Balabag kasama ang kanyang kasintahan.
Sa ulat ng Boracay PNP,
natagpuan na lamang umano ng kanyang kasintahan ang biktima na nakabigti sa
loob ng comfort room ng kanilang kuwarto at wala nang buhay.
Nag-iwan pa umano ng suicidal
note sa kanyang pamilya at kasintahan ang 63 anyos na dayuhan.
No comments:
Post a Comment