YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 03, 2014

Boracay PNP, tuloy parin ang imbestigasyon sa isang British National na namatay sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpapatuloy parin sa ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP Station sa pagkamatay ng isang British National sa isla ng Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktima kay Christopher John Le Plongeon, 38, isang British National at sinasabing may-ari ng isang Beach Diving sa Manoc-manoc, Boracay.

Bandang alas 5:30 umano kaninang umaga ng makita ang biktimang nakahandusay sa sahig ng nasabi ring beach diving kung saan wala na itong malay.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit sa kasamaang palad ay ideneklara ito ng doctor na dead on arrival bandang alas 6:35 rin ngayong umaga.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima kung saan nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad.

No comments:

Post a Comment