YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 07, 2014

Canadian National, binugbog sa isang bar sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Huwag maging bastos para hindi mabugbog”

Ito ang payo ng ilan sa mga kasapi ng Boracay PNP Station matapos na magresponde sa isang bar sa Boracay.

Bugbog sarado kasi ang isang Canadian National na nakilala kay Andrew Rheault, 24 at temporaryong nanunuluyan sa isang resort sa isla.

Ayon sa salaysay kaninang umaga ng biktima sa Boracay PNP station.

Alas kwatro kaninang madaling araw nang di umano’y wala syang probokasyong pinagbubugbog ng isa sa mga bouncer ng isang bar sa Boracay.

Samantala, dahil nasa ilalim pa ito ng nakalalasing na inumin ay nasampulan naman nya ng mga maanghang na salita ang ilan sa mga kasapi ng Boracay PNP.

Nagtamo ng sugat sa panga ang nasabing Canadian National, kung saan ayaw pa sana nitong magpagamot sa ospital dahil sa gusto muna nyang pakunan sa mga pulis ng larawan ang kanyang mukha.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment