YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 03, 2014

Boracay PNP, ikinababahala ang pagdami ng illegal tour guides sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinababahala na ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang pagdami ng mga illegal tour guides sa isla ng Boracay.

Ito’y kaugnay ng sunod-sunod na nangyaring nakawan sa Boracay kung saan sangkot ang mga illegal tour guides.

Dahil dito, gumagawa na ng hakbang ang Boracay PNP para tuluyang masugpo ang mga illegal na tour guides na ito.

Sa kabilang banda nagpaalala ang Tourism Regulations Enforcement Unit (TREU) na hindi nila hahayaang mamayani ang mga illegal na gawain na ito sa isla lalo na at papasok na naman ang summer.

Nag-paalala naman ang (TREU) na kinakailangan mag-parehistro sa LGU Malay ang mga tour guides para mabigyan sila ng kaukulang permit na makapag-operate.

Samantala, pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga turistang pumupunta sa Boracay na kinakailangang maging maingat at mapagmatyag sila sa kanilang mga tour guides.

No comments:

Post a Comment