Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Humihingi ngayon ng sapat na panahon ang BRTF o
Boracay Redevelopment Task Force kaugnay sa sea wall demolition sa Boracay.
Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani.
May stages o proseso umano silang sinusunod upang
matiyak na hindi masira ang beach ng isla at upang mapangalagaan ang propidad
ng mga apektadong establisemyento dito.
Aminado kasi ang BRTF na hindi nila inaasahang
mawa-wash out o matatangay pabalik sa dagat ang mga tinambak na buhangin,
matapos ibaon ng demolition ang mga tinibag na sea wall.
Tumabon din umano sa mga sea grass ang mga buhangin
kung kaya’t kailangan umano itong ibalik sa kanyang kinalalagyan.
Samantala, sinabi pa ni Bacani na ang mga nakabaong
pipes o tubo ng tubig doon ang dahilan kung bakit naging mababaw lang ang
kanilang hukay para sa mga ibabaong debris.
Iginiit din nito na kailangang ibaon ulit ang mga naglitawang
debris upang maging pundasyon, subali’t hahakutin na lamang ng truck ang mga
pwedeng hakutin.
Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas nang
ipatibag ng BRTF ang mga sea wall sa beach front ng isla.
No comments:
Post a Comment