YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 06, 2014

Demolition sa West Cove resort sa Boracay , sinimulan na ng LGU Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Pinangunahan ng LGU Malay ang demolition team sa West Cove resort sa Diniwid Boracay kaninang alas-otso emedya ng umaga.

Dito sinimulang tibagin ang tinatawag na deck area kung saan ito ay bahagi parin ng ipinapatupad na Boracay Redevelopment Task Force o BRTF.

Wala naman sa isinagawang demolition ang mismong may-ari ng Westcove na si Crisostomo “Kris” Aquino kung kaya’t ang abogado nalang nito ang humarap sa mga kinauukulan.

Nagpakita rin ng presensya ang Department of Environmental Resources (DENR) na siyang nagsilbi ng demolition order sa West Cove resort.

Hindi rin nagpahuli ang Department of Tourism para masaksihan ang isinagawang demolition na halos mahigit isang taon na ang paghihintay kung kailan ito masisimulang tibagin.

Matatandaang naging kontrobersyal ang West Cove resort makaraang babaan ng kautusan ng DENR, Department of Interior and Local Government o DILG at ng LGU Malay na ipatanggal ito dahil sa lumabag sa batas pangkapaligiran.

Samantal,  umaasa naman ang DENR at ang LGU Malay na mag tuloy-tuloy na ang gagawing demolition ng tinaguriang “mother of all violators” sa Boracay.

No comments:

Post a Comment