Thursday, May 11, 2017

Truckers at Haulers na dumadaan sa Caticlan, isinulong na gawing gabi ang operasyon

Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Truckers at HaulersIni-refer ngayon ni LIGA President Juliet Aron ang ordinansa patungkol sa truckers at haulers sa Caticlan na gawing gabi ang kanilang operasyon.

Sa ika-14 th Regular Session nitong Martes ng Sangguniang Bayan ng Malay, binuksan ni Aron ang usapin sa Privilege Hour para maibahagi ang balakin ng Caticlan council.
Sinabi nito sa mga miyembro ng SB, na kaya niya ito ini-refer at binuksan ang usapin sa session ito’y dahil nahihirapan na umano ang mga commuters lalo na at nagiging dahilan ito ng mahabaang traffic sa lugar.

Nabatid kasi na pinag-usapan nila ito sa naganap na meeting ng Barangay Council kung saan ito ang kanilang gustong isulong ngayon.

Samut-sari naman ang mga naging komento ng mga konsehales ukol dito dahil hindi lamang mga haulers ng aggregates ang balak na i-regulate kundi maging ang mga truck na may kargang livestock at iba pa.

Samantala, ini-refer ito ngayon sa Committee on Laws and Ordinances na pinamumunuan ni SB Jupiter Gallenero.

No comments:

Post a Comment