Thursday, May 11, 2017

Hinugtan Beach, nais i-develop upang maging Tourist Attraction

Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for HINUGTAN BEACH“Hinugtan Beach”.

Ito ngayon ang sinasabi nilang isa pang mala-Boracay na lugar sa Aklan na nakatakda ngayong i-develop upang maging tourist attraction sa Probinsya ng Aklan.

Nabatid na ayon kay Buruanga Mayor Concepcion Labindao, may inilaan na umanong 25-Million  na budget ang Department of Public Works and Highways para sa pagsasa-ayos nito.

Bagamat na aabot pa ng ilang minuto bago marating ang Hinugtan, madalas na raw itong dinadayo ng publiko dahil sa maputi at mapino rin nitong buhangin katulad ng isla ng Boracay.

Samantala, puspusan na ang pagpa-plano ng pamahalaan sa pagdevelop ng Hinugtan Beach.

No comments:

Post a Comment