Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tumanggap na ng tig P100, 000
ang talumpong centenarians sa Probinsya ng Aklan.
Ang mga tumanggap ng insentibo na mga centenarian o yung
may edad 100 pataas ay galing sa Department of Social Welfare and Development
(DSWD).
Ayon kay Evangeline Gallega, Head ng Provincial Social
Welfare and Development Office (PSWDO) Aklan, ang mga centenarians ay nabigyan
ng insentibo dahil sa pinagtibay na Centenarian Ordinance Act of 2016.
Sa ngayon umano ang pinaka-matandang nabubuhay sa
probinsya ay isang lola na may edad 116 sa Kalibo kung saan sa record ito rin
ang pinaka-matanda sa Region 6.
Kaugnay nito, nagpa-abot si Gallega sa mga pamilya na may
miyembro na centenarians na pumunta sa kanilang mga munisipyo upang mabigyan ng
mga requirements upang makatanggap ng mga benepisyong para sa kanila.
No comments:
Post a Comment