Thursday, May 11, 2017

Korean Nationals, nanguna sa tourist arrival sa buwan ng Abril

Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for korean national in boracay
Nangunang muli ang mga Korean National na nagtala ng pinakamaraming Tourists Arrival sa isla ng Boracay nitong nakaraang buwan ng Abril.


Base sa datos na ibinigay ng Economic Enterprise Development Department Provincial Tourism Extension Office, umabot sa 28,449 ang bilang ng mga koreanong bumisita na sinundan naman ng China na may 25,141 kung saan pumapangatlo ang Taiwan na nagtala ng 4,720.

Nabatid na kabilang sa Top 10 na mga bansa na pinili ang Boracay na puntahan ay ang United Kingdom, USA, Malaysia, Australia, Singapore, UAE at Germany.

Sa ibang datos, sa buwan naman ng Mayo 1 hanggang Mayo 4 ay nakapagtala agad ng kabuuang bilang na 26,366 ang bumisita sa Boracay kung saan nanguna ang Domestic Tourist na may rekord na 16, 485.

Magugunitang sa nakalipas na taon ay nakapagtala ng 183, 047 tourist arrival sa kaparehong buwan kung saan tumaas ito ng 27% na pumalo sa 233, 233 ang naitala sa taong kasalukuyan dahil sa pagdagsa ng malaking bilang ng mga tao sa kasagsagan ng LaBoracay.


No comments:

Post a Comment