Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nasakote na nang mga kapulisan ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang mga umano’y miyembro na Demons Gang sa isla.
Nakilala nga ang mga naarestong suspek na sina Janel
Tayco Villanueva, 19-anyos ng Kalibo, Reymond Alan Molina, 19-anyos ng
Ambulong, Brgy., Manocmanoc, Boracay at CICL a.k.a. “Christian”, 15-anyos ng
Sitio Tulubhan ng nasabi ring lugar.
Base sa report ng Boracay PNP, nitong ika-4 ng Mayo umano
ng alas-dos ng madaling araw pinasok ng mga suspek ang kwarto ni “Jury” at
kinuha ang Flaire S3 cell phone nito, na iniwan nito sa itaas ng lamesa para
bumili ng pagkain sa labas.
Subalit dahil sa tulong nang mga kaibigan ng biktima,
nahuli ang isang suspek na si “Christian“ na dali-dali naman nilang ini-report
sa mga otoridad.
Samantala, sa kapareho ring araw, alas-tres ng madaling
araw naman sumalakay ang dalawang suspek na si Janel at Reymond na kinuha ang
Lenovo Tablet, Samsung J2 at GoPro Cam ng biktimang si “Jane” gamit ang
pag-akyat ng mga suspek sa kanilang bintana.
Kaugnay nito, sa pinagsanib na pwersa ng mga pulis ng
Boracay PNP, nahuli ang suspek na si Janel at Raymond sa ginawang follow-up
operation ng mga ito.
Si Janel Villanueva at Raymond Molino ay nahaharap na sa
kasong robbery at theft at nakakulong na sa Aklan Rehabilitation Center habang
ang suspek na si "Christian" na CICL o Children in Conflict With The
Law ay tinurn-over sa Malay Social Welfare and Development (MSWD) .
No comments:
Post a Comment