Friday, May 12, 2017

Boracay Police, patuloy ang Community Education kontra-droga

Posted May 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Patuloy ngayon ang kampanya ng Boracay Tourists Assistance Center o (BTAC) sa pagpapalaganap ng kaalaman sa komunidad hinggil sa iligal na droga.


Sa panayam ng himpilang ito kay SPO2 Christopher Mendoza, ang community education umano ay itinuturo nila sa mga paaralan, Ati Community, 4P’s maging sa Boracay Photographers Association Inc. at  nitong huli ay sa  pagtitipon ng  Manocmanoc Youth Camp.

Ani Mendoza, layunin nitong ipaabot ang masamang epekto sakaling malulong sa iligal na droga ang isang tao gayundin ang kaakibat na penalidad at ang pag-aresto sa mga indibidwal na nasadlak sa ganitong bisyo.

Samantala, hinihikayat naman nito ang publiko na suportahan ang kampanya kontra iligal na droga at iwasan na ang pagbebenta, pagbili at paggamit nito dahil ito aniya ang nagiging ugat ng mga problema sa komunidad lalo na sa kriminalidad.

No comments:

Post a Comment