Thursday, May 11, 2017

Malaynon Athlete gold medalists sa Palarong Pambansa 2017

Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 2 people, people standing
Itinanghal na Gold Medalists ang isang Malaynon matapos itong magpamalas ng galing sa katatapos na Palarong Pambansa 2017 na ginanap sa San Jose de Buenavista, Antique.

Tatlong medalya ang nakamit ni Edwin Villanueva na estudyante ng Malay National High School sa Paralympics event na nagsimula noong Abril- 23 hanggang Abril 28.

Nabatid na naiuwi ni Villanueva ang medalya sa paglangoy para sa kategoryang Breaststroke, Backstroke at sa Freestyle.

Sa panayam ng himpilang ito sa nagsilbi nitong Coach na si Luneta Tumaob, na-beat umano ni Villanueva ang rekord nito sa nakalipas na taon kung saan ipinakita nito ang angking gilas sa kabila ng kanyang kapansanan na mas naging mabilis pa ngayong taon.

Image result for sheila talja palarong pambansa 2017
Kaugnay nito nasungkit naman ni Sheila Mae Salibio Talja ng Malay National High School ang gintong medalya sa larangan ng secondary girls triple jump.

Magugunitang itinanghal rin sa Talja na bilang silver medalists sa nakaraang taon para sa secondary girls’ long jump.

Ang Palarong Pambansa ay taunang multi-sport event kung saan kabilang rito ang mga atletang estudyante galing sa labing-walong rehiyon sa Pilipinas na inorganisa at pinamamahalaan ng Department of Education o DepEd.

No comments:

Post a Comment