Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay Police Inspector Jose Mark Gesulga Deputy Director ng Boracay PNP, inaalam na umano nila ang mga posibleng dahilan kung bakit walang awang pinatay ang biktima.
Ani Gesulga, sa kanilang mga nakuhang impormasyon hinggil sa pagkatao ni Raymundo, ito umano ay marami ng mga kasong na-irekord subalit hindi naman ito sinampahan ng kaso ng kanyang mga nakalaban.
Sa ngayon umano ang isang nakikitang dahilan ng mga otoridad sa likod ng pagpatay sa biktima ay ang mga na-agrabyado nitong tao.
No comments:
Post a Comment