Thursday, May 11, 2017

2017 Grand Flores De Mayo, kasado na –BFI

Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for flores de mayo in words
Kasado na ang ginagawang paghahanda ng Boracay Foundation Inc., o (BFI) para sa nalalapit na Flores De Mayo na gaganapin sa Mayo 27 ngayong buwan.

Ayon kay BFI Marketing Officer Raffy Cooper, ang mga kasali umano rito ay mula sa mga hotel at resort kasama na ang ibat-ibat organisayson sa isla.

Dagdag pa ni Cooper, ang tema umano sa mga susuotin ng mga sasaling reyna ay mga desinyo na hugis korales.

Samantala, sa mga hindi pa nakapag-parehistrong sasali ay pumunta lang sa opisina ng BFI dahil hanggang May 15 nalang umano ang kanilang pagtanggap ng mga lalahok.

Ang Flores De Mayo ay nasa ika-apat na taon na sa Boracay kung saan ang layunin nito ay maipakita ang kulturang pinoy lalo na sa mga turistang nagbabakasyon sa isla.

Samantala, ang selebrasyong ito ay nagbubukod-tangi dahil ang parada ng mga reyna ay ginagawa sa dalampasigan at hindi sa kalsada na ating naka-ugalian.

No comments:

Post a Comment