Tuesday, September 06, 2016

Anchorman na may hawak ng pekeng druglist humarap sa SB Malay

Posted September 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Humarap na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Anchorman ng isang radio station sa Boracay na nag-anunsyo ng maling druglist na kinakasangkutan umano ng opisyal ng SB Malay.

Ito’y matapos siyang ipinatawag sa Session para pagpaliwanagin tungkol sa nangyaring pagbabanggit ng pangalan ni SB member Dante Pagsuguiron sa radyo.

Sa pagharap sa Session nagpaliwanag naman ang Anchorman sa konseho kung saan sinabi nito na wala umano palang katotohanan ang listahan na iniabot sa kanya na kanya namang binasa sa ere kung saan isa si Pagsuguiron sa mga nasa listahan na sangkot sa iligal na droga sa bayan ng Malay.

Ayon naman kay Pagsuiron, maaari umanong masampahan ng kasong libel at slander o oral defamation ang naturang Anchorman dahil sa mali nitong impormasyon na inihayag sa radyo.

Samantala, humingi naman ng patawad ang radio announcer kay Pagsuguiron kung saan nakahinga naman ng maayos ang huli subalit sinabi naman nito na dapat linawin muna ang mga impormasyon bago ito ibalita upang hindi maglikha ng gulo sa publiko at makasira sa isang tao.  

No comments:

Post a Comment