Monday, September 05, 2016

Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Boracay

Posted September 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal drugsKalaboso ang isang lalaki matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Bolabog Ext., Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Nahuli ang suspek na si Genrev Doctolero y Yee, 27-anyos, residente ng Estancia Iloilo at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy. ng pinagsamang pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) at Maritime Group.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet na may  ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang P3, 000 habang nakuha pa sa ginawang body search ang limang hinihinalang iligal na droga at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Sa ngayon nakakulong na sa Boracay PNP ang suspek at nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo upang pormal na sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act.

No comments:

Post a Comment